Man on the side
- SECRET
- Dec 4, 2013
- 6 min read
“Ano na?”
… “Hindi ka ba magsasalita dyan?” “Wala naman akong masabi.” “So ganito na lang tayo. Manghuhula ako kung ano bang lugar ko dyan sa buhay mo.” “Alam mo namang gusto ko lagi ka lang nasa tabi ko.” “Yun na nga eh, puro ikaw. Have you ever wondered what I want?” “Ano bang gusto mo?” “Nevermind. Nagmumukha na lang akong tanga.” “I’m sorry.”
Bumukas ang pinto. Pumasok si Sam. “Hey hon, are you ready?” tanong ni Sam kay Alex “Ready when you are babe,” tugon ni Alex.
Lumabas na ulit ng kwarto si Sam. Tumayo si Alex at ng akmang lalabas na ng kwarto, muli syang tumingin sa akin.
“You know you’ll always be the best man for me. Kung kaya ko lang ibigay sayo lahat ng binigay mo sakin, matagal ko ng ginawa. Hihintayin kita sa labas.”
Tumayo ako at tumingin sa salamin. Tinitigan ko ang sarili ko. Bakit nga ba humantong sa ganito? Bakit nga ba hanggang ngayon hindi ko pa rin tanggap? Unti-unting tumulo ang luha ko. Dali-dali kong pinahid ang luha ko gamit ang aking kamay. Huli na nga ba ang lahat? O simula noon pa man, wala naman talaga akong hinahabol.
Lumabas ako ng kwarto at dahan-dahang naglakad papunta sa tabi ni Alex. Tiningnan ko sya at ngumiti.
“Kahit naman anong mangyari, kahit hindi ko na gusto, andito pa rin ako sa tabi mo,” sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya at nagsabing, “salamat.”
Tumayo na ang choir, nagsimula nang tumugtog ang orchestra. Ito na talaga. Bumukas na ang pintuan. Mula sa nakakasilaw na liwanag na dulot ng araw, unti-unting naaninag ng mga tao sa loob ang simpleng kagandahan ni Sam. Suot ang isang puting damit, hawak ang mga rosas, marahan siyang naglakad habang inaalalayan ng kanya mga magulang. Alam kong sa mata ni Alex, si Sam lang ang taong nakikita nya, wala nang iba.
Parang huminto ang mundo ko. Ayoko magpahalata pero ang bigat ng damdamin ko. Alam ko dapat masaya ako dahil ikakasal na ang best friend ko. Pero pano ako sasaya kung mahal ko din ang best friend ko?
Ito na ata ang pinakamatagal na isang oras ng buhay ko. Nang narinig kong magbigay ng kani-kaniyang vows sina Alex at Sam sa isa’t isa, bawat salita ay kumurot sa dibdib ko. Masakit, dahil mahal ko siya. Pero mas masakit, dahil alam niya.
Nang matapos ang kasal ay dumiretso kami sa kalapit na hotel dahil dun gaganapin ang reception nila.
Kasama ko sa table ang pamilya ni Alex. High school pa lang kasi ay magkaibigan na kami kaya malapit na rin ako sa pamilya niya.
Tahimik lang akong kumakain. Hangga’t maaari ay ayokong kausapin ang kahit sino para mapigilan ko na rin ang nararamdaman ko. Pero alam kong hindi pa tapos ang paghihirap ko. Ilang minuto lang ang nakalipas ay hiningan na ko ng mensahe para sa bagong kasal.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang hindi ko maibuka ang bibig ko. Pero alam kong kelangan.
“To Alex, congratulations for having Sam as your wife. Alagaan mo siya. And to Sam, pagpasensyahan mo na yang si Alex kung minsan childish pa rin. But I know the he’s in good hands because I know how much you love and cherish him. You’re both quite a catch and I’m sure marami dyan ang umiiyak at bigo dahil kayo ang nagkatuluyan. But many of us are also very happy that finally, you’re really together. And…” huminga ako ng malalim. Gusto ko ng umiyak. Pero hindi pwede. “And you know how much I love you both so much. Andito lang ako para sa inyo.” Kahit mahirap ay pinilit kong ngumiti sa kanila.
Hindi pa tapos yung reception ng nagpaalam na kong umuwi. Paglabas ko, nakita ko na malakas na pala ang ulan. Wala akong dalang paying. Pabalik na sana ako sa loob ng bigla kong nakita sa tabi ko si Alex na may hawak-hawak na payong.
“Mas gusto kong nandun ka sa loob pero alam kong masakit ‘to sayo,” mahinang sabi ni Alex.
Kukunin ko na sana yung paying pero bigla nyang nilayo. “Ihahatid na kita sa sasakyan mo.”
Hindi na lang ako nagreklamo. Nakakainis, nasa medyo malayo pa nakapark yung kotse ko. Habang naglalakad kami, walang nagsasalita sa amin. Alam kong, iba na ngayon. Hindi na pwedeng tulad ng dati. Hindi na pwedeng magkulitan.
Naisip ko, kung wala si Sam, at kung mahal din ako ni Alex, napakaromantic ng eksenang ‘to. Ito kami, naglalakad sa ulan, magkasama, kaming dalawa lang. Pero iba ang sitwasyon. Andyan si Sam, at hindi ako mahal ni Alex.
Kinuha ko na ang susi ko sa bulsa at bubuksan na sana ang pintuan ng nagsalita si Alex.
“Johan wait. After nito, lilipad na kami sa Amerika. Baka ito na huli nating pagkikita dahil malamang kahit naman papuntahin kita bukas sa airport, hindi ka magpapakita,” ani Alex.
“Ang tanga ko na lang kung pumunta pa ko ng airport. Papahirapan ko lang sarili ko,” mahina kong sagot. Nangingilid na luha sa mata ko.
“Alam ko. Kaya nga ngayon ko na sasabihin sayo lahat ng nasa isip ko. Johan, hindi naman magbabago yung pananaw ko na ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Kung wala ka siguro napariwara na buhay ko. Kung wala ka, hindi ko marerealize na may kaya akong gawin, na may kwenta ako. Kung wala ka, siguro hindi ako magugustuhan ni Sam. Ikaw na siguro ang best best friend na pwedeng magkaron ang isang tao.”
“Sana nga hindi na lang kita binago para hindi ka nya nagustuhan,” pabulong kong sabi na narinig din naman ni Alex.”
“Wag ka magloko dyan. Seryoso ako. Thankful ako na ikaw ang best friend ko. At thankful ako na kahit mahal mo ko, hindi ka gumawa ng paraan para paghiwalayin kami ni Sam.”
“Hindi naman ako ganun kaselfish. Nakita ko din namang mahal ka ni Sam.”
“Kaya nga nagpumilit ako sa magulang ko na dito na lang kami ni Sam pero hindi sila pumayag dahil mas maganda raw para sa future ng magiging anak namin kung dun kami titira.”
“Alam ko Alex. Yun nga yung mahirap eh. Alam kong tama naman lahat ng desisyon mo.”
“Mahal kita Johan. Best friend kita eh. Ilang beses na nga akong nakipagbugbugan tuwing may nanggago sayo. Ayokong mawala ka sa buhay ko.”
“Ikaw lang naman ang pwedeng mag-alis sa akin sa buhay mo.”
“Hinding hindi mangyayari yun. Kahit sino pang babae o tao ang pumasok sa buhay ko, walang papalit sa ‘yo.”
“Sige na, tama na yang drama Alex. Uuwi na ko. Bumalik ka na sa loob, baka hinahanap ka na nila.”
“Promise me first that you’ll be fine.”
“It takes time,” mahina kong sagot. Di ko na napigilan. Tumulo na ang luha ko. Nakita ‘to ni Alex at pinahid ito.
“Salamat.” Yan ang huling salitang sinabi niya. Niyakap nya ko ng mahigpit. Tapos ay marahan niya kong hinalikan sa labi. Alam kong yun na. Yun na ang tanda na tapos na. Hindi na ko pwedeng umasa.
Pumasok na ko sa kotse at dali-daling binuksan ang makina. Iyak na ko ng iyak.
Binuksan ko CD player. Nakapasok pa pala yung CD na binigay sa akin ni Alex.
six numbers, one more to dial before I’m before you I tried to call been busy all night gave up waiting at daylight
excuse me Mrs. Busybody could you pencil me in when you can though we both know that the worst part about it is I would be free when you wanted me if you wanted me
ohhhhh… I am the man on the side hoping you’ll make up your mind I am the one who will swallow his pride life as the man on the side
one of the many one of the few to stand back and wait for you
excuse me Mrs. Busybody could you pencil me in when you can though we both know that the worst part about it is I would be free when you wanted me if you wanted me, if you wanted me
ohhhh… I am the man on the side hoping you’ll make up your mind I am the one who will swallow his pride Life as the man on the side Life as the man on the side
I fell in love with the dream that I built of you playing the part of the queen taking my own advice I’m giving up tonight good luck to you and the king
excuse me Mrs. Busybody could you pencil me in though we both know that the worst part about it is I would be free when you wanted me if you wanted me, if you wanted me
ohhhhh…. I am the man on the side hoping you’ll make up your mind I am the one who will swallow his pride life as the man you know life as the man living life as the man on the side
Pag-uwi ko ng apartment ay nagtext sa akin si Alex.
“Johan, salamat sa lahat. Mula noon hanggang ngayon, hindi mo ko iniwan. Pero ito ako, iiwan ka. Sorry ah, simula dati ikaw na lang lagi umaangkin ng mga problema at pahirap sa ‘tin. Babawi ako promise. Till we meet again. Bye best friend.”

Comments